Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maayos na paraan ng pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin niya ang kasanayang pangwika. Ang kasanayang pangwikang ito ang magiging tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais niyang ipaabot.
Sa pagtuturo ng wika nararapat lamang na ilantad sa mga mag-aaral ang iba’t ibang makatotohanang gawain upang iparanas sa kanila ang tunay na gamit ng wika. Maaaring bigyan sila ng maraming babasahing aklat, palikhain ng tula at pasulatin ng maikling dula, paguhitin ng magagandang tanawin – lahat ng mga karanasang ito’y magsisilbing matibay na pundasyon sa pagkakaroon ng mag-aaral ng isang maunlad na wika.
Paano nalilinang ang mga kasanayang pangwika?
Nalilinang ang kasanayang pangwika sa palagiang pag-iisip na ang kasanayang sa paggamit ng wika ay nasa mga arena ng komunikasyon. Ang pagkatuto ng wika ay nagiging mabisa kung mabibigyan nang maraming pagkakataon ang mga mag-aaral na makipagtalastasan sa kanilang mga kaklase. Samakatuwid, ang isang klasrum na nakapagpapayaman sa pag-unlad ng wika ay iyong kung saan ang mga mag-aaral ay aktibong nagbabahagi ng kanilang mga personal na ideya at karanasan at nagagawang maisaalang-alang ang mga ideya at kaisipan ng ibang tao tulad ng kanilang mga kaklase, mga guro , mga awtor at mga tauhang nakakatagpo nila sa mga aklat.
A. Makrong Kasanayan
sa Pakikinig
Sa pag-aaral na isinagawa mas maraming oras ang nagagamit ng tao sa pakikinig kaysa sa pagsasalita dahil mas madalas ay mas gusto pa niya ang makinig kaysa sa magsalita.
Lalo na ang mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas gusto
pa ang makinig sa talakayan ng guro at kapwa mag-aaral kaysa aktibong makilahok sa kanila.
45% ay nagagamit sa pakikinig
30% ay sa pagsasalita
16% ay
sa pagbabasa
9% naman sa pagsulat
Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig
•Alamin ang layunin sa pakikinig
•Magtuon ng matamang pansin sa pinakikinggan
•Alamin ang pangunahing kaisipan sa pinakikinggan
•Maging isang aktibong kalahok
•Iwasang magbigay ng maagang paghuhusga sa kakayahan ng tagapagsalita
•Iwasan ang mga tugong emosyunal sa naririnig
•Tandaan ang mga bagay na nakita at napakinggan
MGA URI
NG PAKIKINIG
Deskriminatibo
Layunin;
•matukoy ang pagkakaiba ng pasalita at
di-pasalitang paraan ng komunikasyon.
•binibigyan pansin ang paraan ng
pagbigkas
ng tagapagsalita at kung
paano siya kumikilos habang
nagsasalita.
Komprehensibo
Kahalagahan:
•Maunawaan ang kabuuan ng mensahe.
•Maintindihan ang nilalaman at
kahulugan ng kanyang pinakikinggan.
Paglilibang
Layunin:
•upang malibang o aliwin ang sarili
•ginagawa para sa sariling kasiyahan
Paggamot
Kahalagahan:
•matulungan ng tagapakinig ang nagsasalita na madamayan o makisimpatiya sa pamamagitan ng pakikinig sa hinaing o suliranin ng nagsasalita
B. Makrong Kasanayan sa Pagsasalita
Kahalagahan ng Pagsasalita
Mahalaga ang pagsasalita
dahil:
•naipaaabot sa kausap ang kaisipan at damdaming niloloob ng nagsasalita
•nagiging kasangkapan sa pagkakaunawaan
ng mga tao
•nakapag-aanyaya o nakaiimpluwensiya ng saloobin ng nakikinig
•naibubulalas sa publiko ang opinyon at katwirang may kabuluhan sa kapakanang panlipunan upang magamit sa pagbuo ng mga patakaran at istratehiya
sa pagpapatupad
ng mga ito.
Mga Pangangailangan sa mabisang pagsasalita
•Kaalaman
•Kasanayan
•Tiwala sa Sarili
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita
Mga Kasangkapan sa Pagsasalita
§tinig
§bigkas
§tindig
§kumpas
§kilos
Limang Kasanayan sa Pagsasalita
Pakikipag-usap
pakikipanayam
pagkatang talakayan
pagtatalumpati
pakikipagdebate
C. Makrong Kasanayan sa
Pagbasa
Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
•Ang pagbasa ay interpretasyon ng mga nakalimbag na simbolo ng kaisipan. Pagpapakahulugan ito ng mga nakatitik na sagisag ng mga kaisipan.
•Ang pagbasa ay pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng pagtugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolong nakalimbag sa pahina.
•Ang mpagbabasa ay susi sa malawak na karunungan natipon ng daigdig sa mahabang panahon.
•Ayon kay Arrogante, ang pagbabasa ay nakapagpapalawak ng pananaw at paniniwala sa buhay, nakapagpapatatag sa tao na harapin ang mga di-inaasahang suliranin sa buhay.
Apat na hakbang ng pagbasa:
Ayon kay
William S. Gray, “Ama ng Pagbasa”,
• Ang pagbasa sa akda
•Ang pag-unawa sa binasa
•Ang reaksyon sa binasa
•Ang pagsasama-sama at pag-uugnay ng mga bagong kaalaman sa binasa at ng dating kaalaman
D. Makrong Kasanayan
sa Pagsulat
Kahalagahan ng Pagsulat
Mahalaga ang pagsulat dahil:
nkung marunong tayong sumulat makaaangat tayo sa iba dala na rin ng mahigpit na kompetisyon sa ngayon.
nMakasasagot tayo sa mga pagsusulit na pasanaysay, pagbibigay ng ulat, pagtatala ng resulta ng mga eksperimentasyon at paglikha ng mga papel pananaliksik dahil ito ay bahagi ng pananagumpay.
nSa daigdig ng edukasyon,kailangang sumulat tayo ng liham ng aplikasyon, paggawa ng balangkas pangkaunlaran, gumawa ng anunsyo, umapila sa paglilikom ng pondo, sumagot sa pakiusap ng mga kliyente at maramipang iba.
Mga Bahagi ng Pagsulat
Panimula
Katawan
Konklusyon
Rekomendasyon
salamat sa komprehensibong post.... allow me to use it on my lesson...
TumugonBurahin